Tropa ng militar na nakatalaga sa rehabilitasyon, idineploy na ng AFP sa Marawi

Manila, Philippines – Idineploy na ng Armed Forces of the Philippines ang kanilang mga tauhang itinalaga para tumulong sa pagsasagawa ng rehabilitasyon sa Marawi City.

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col Edgard Arevalo, dahil malapit nang matapos ang krisis sa Marawi; pagtutuunan na ng pamahalaan ang mga rehabilitation program para maibangon ang lungsod.

Sinabi pa ni Arevalo na sa ngayon nasa lugar na malapit sa Marawi ang mga barko ng Philippine Navy ito ay hindi lamang para magdala ng mga relief goods kundi may kapasidad din na magdala ng mga heavy equipment ng DPWH.


Kaugnay nito nanawagan muli si Arevalo sa mga nalalabi pang miyembro ng Maute at armadong grupo sa Marawi na sumuko na ang mga ito.

Hindi raw kasi nagbabago ang desisyon ng pamahalaan na tuluyan na silang i-neutralized para hindi na makapagkalat pa ng lagim sa ibang lugar.

Facebook Comments