Tropical Depression Dindo, bahagyang lumakas habang nasa layong 800 kilometers ng Tuguegarao City, Cagayan

Bahagyang lumakas ang Tropical Depression Dindo habang kumikilos pahilaga hilagang-kanluran.

Huli itong namataan sa layong 800 kilometers silangan hilagang-silangan ng Tuguegarao City, Cagayan at 715 kilometers silangan ng Basco, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers per hour (km/h) malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 70 km/h na kumikilos pahilaga hilagang-kanluran sa bilis na 15 km/h.


Dahil sa pinagsamang Bagyong Dindo at habagat, makakaranas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan ang Luzon, Western Visayas at Zamboanga Peninsula.

Magiging maganda naman ang panahon sa nalalabing bahagi ng bansa pero posible pa rin ang pag-ulan sa gabi dulot ng localized thunderstorm.

Inaasahang lalabas sa Philippine Area of Responsibility ang Bagyong Dindo sa pagitan ng lunes ng umaga o hapon.

Facebook Comments