Bahagyang bumagal ang tropical depression Dodong habang kumikilos hilagang silangan.
Huling namataan ang bagyo sa layong 655 kilometers silangan ng Calayan, Cagayan.
Mayroon na itong lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong nasa 60 kilometers per hour.
May bilis ang bagyong nasa 15 kph.
Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Ezra Bulquerin – hindi na ito inaasahang magla-landfall sa bansa.
Pero palalakasin ng bagyo ang southwest monsoon o hanging habagat na magdadala ng kalat-kalat na pag-ulan sa western sections ng Luzon at Visayas.
Iiral din ang ulan ng habagat sa Metro Manila, Western Visayas at kanlurang bahagi ng Central Luzon, Mimaropa at Calabarzon bukas.
Inaasahang lalabas ang bagyo sa Philippine Area of Responsibility (PAR) mamayang gabi.