Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang tropical depression Dodong kagabi.
Pero paalala ng PAGASA, asahan pa rin ang mga malalakas na pag-ulan sa Luzon at Visayas dahil sa epekto ng southwest monsoon o habagat.
Partikular na apektado ng habagat ang Metro Manila, Ilocos Region, Visayas, Central Luzon, Mimaropa at Calabarzon.
Samantala, patuloy din na binabantayan ng PAGASA ang Low Pressure Area (LPA) na nasa labas ng PAR.
Huli itong namataan sa 1,320 kilometers east ng Mindanao at posibleng maging bagyo at papasok sa bansa ngayon araw ng Biyernes.
Sunrise – 5:29AM
Sunset – 6:28PM
Facebook Comments