Manila, Philippines – Bahagyang bumilis ang tropical depression na si Kiko na ngayon ay kumikilos sa bilis na 350 kilometers sa silangan ng Tuguegarao City sa lalawigan ng Cagayan.
Ito ay may lakas na hangin na 55 kilometers malapit sa gitna at may pagbugso na 65 kph.
Mamayang gabi ay dadaan na sa ito Hilaga Silangang bahagi ng extreme Northern Luzon .
Maaring tumama ito sa isa sa mga isla ng Batanes bukas ng umaga.
Sa Huwebes, inaasahang lalabas na ito sa PAR .
Uulanin naman ang ang Northern Luzon sa buong araw na ito kung kayat mapanganib ito sa mga bumibiyahe sa kabundukan na maaring magka landslide. Gayundin sa mga sasakyang pandagat sa Nortehern at Central Luzon.
Dahil, nakataas pa rin signal number 1 sa Northern Cagayan kasama na ang Babuyan Group of Islands at Batanes, nagbabala ang PAGASA sa mga naninirahan sa mga mababang lugar na maghanda sa mga pagbaha dulot ng mararanasang pag-ulan.