MILF, AFP at PNP patuloy na nakaalerto sa Buldon, Maguindanao

Nakahandang sumagupa ang pwersa ng Bangsamoro Islamic Armed Forces ng Moro Islamic Liberation Front sa sinu mang mga armadong grupo na nais maghasik ng kaguluhan sa mga boundaries ng Iranun Towns sa Maguindanao.

Ito ang mariing sinabi ni MILF Brigade Commander Peter Baltao, na sumasakop sa Buldon at Barira sa panayam ng RMN COTABATO. Aniya gagawin nila ang lahat para mapanatili ang katiwasayan ng pamumuhay ng kanilang mga kababayan.

Matatandaang naalarma ang mga taga Buldon at mga kalapit bayan nito matapos sabihin ni Presidente Rody Duterte noong byernes na may posibilidad na magkaroon ng spillover ang nangyayaring krisis sa Marawi City at partikular na tinukoy nito na maaring magtungo ang mga mga armado sa Buldon.


Sinasabing napakalapit lamang ng Buldon mula sa bayan ng Butig sa Lanao Del Sur na itinuturing na balwarte ng Maute.

Kaugnay nito, maliban sa mga MILF , matagal na ring nasa defensive position ang pwersa ng PNP at military sa lugar habang patuloy ang panawagan ng LGU Buldon na maging alerto.
BULDON PNP Pic

Facebook Comments