Tropical depression, posibleng pumasok sa bansa ngayong araw

Ganap nang tropical depression ang Low Pressure Area (LPA) na nasa silangan ng bansa.

Ito ay namataan sa layong 1,180 kilometers silangan ng Kabisayaan.

Taglay na nito ang lakas ng hanging nasa 45 kilometers per hour at pagbugsong 55 kilometers per hour.


Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Meno Mendoza – halos hindi gumagalaw ang bagyo.

Papasok na rin ito sa bisinidad ng bansa anumang oras at tatawagin itong ‘Marilyn.’

Apektado pa rin ng habagat ang hilagang Luzon.

Mananatiling maaliwalas naman ang panahon sa Kabisayaan at Mindanao.

Facebook Comments