Tila nahihiyang pumasok sa loob ng bansa ang binabantayang tropical depression.
Huli kasi ito sa namataan sa 1,645 kilometers silangan ng Central Luzon.
Taglay pa rin nito ang lakas na nasa 55 kilometers per hour at pagbugsong 70 kph.
Kumikilos ang bagyo pahilaga sa bilis na 20 kph.
Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Gener Quitlong – posibleng tumuloy na ito sa loob ng PAR ngayong araw.
Kaya maulan sa Bicol Region, Mimaropa, Calabarzon, maging ang mga lalawigan ng Quirino, Isabela at Cagayan.
Ang Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa ay maaliwalas ang panahon sa umaga pero may mga pag-ulan na rin sa dakong hapon at gabi.
Facebook Comments