Lalo pang lumakas ang tropical storm “Julian” na huling namataan sa layong 880 kilometers silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.
Taglay na nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers per hour (km/h) malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 80 km/h.
Kumikilos ito pakanluran hilagang-kanluran sa bilis na 15 km/h.
Dahil sa bagyo, makakaranas na maulap na kalangitan na may mahina hanggang may kalakasang pag-ulan, pag-kulog at pag-kidlat ang Metro Manila, Calabarzon, Bicol Region, Nueva Ecija, Bulacan at Aurora.
Magiging maganda naman ang panahon sa nalalabing bahagi ng bansa maliban na lamang sa paminsan-minsang pag-ulan dulot ng pinagsamang southwest monsoon at localized thunderstorms.
Facebook Comments