Manila, Philippines – Lalo pang lumakas ang tropical storm Odette.
Ito’y nag-landfall na sa Allacapan, Cagayan.
May taglay itong lakas ng hanging aabot sa 75 kilometers per hour at pagbugsong 100 kph.
Bahagya itong bumagal sa bilis na 24 kph at tinatahak ang direksyong pa-kanluran.
Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility mamayang gabi o bukas ng umaga.
Nakataas ang tropical cyclone warning *signal number 2* sa:
Batanes
Cagayan (kasama Babuyan Group of Islands)
Apayao
Ilocos norte
*Signal number 1* naman sa:
Isabela
Abra
Kalinga
Mountain province
Ifugao
Ilocos Sur
La Union Benguet
Asahan ang malakas na pag-ulan sa Central Luzon kasama na ang Cagayan Valley at Ilocos Region.
Mapanganib namang maglayag sa mga baybayin ng Northern Luzon.
Samantala, unti-unti na ang pag-iral ng hanging amihan sa mga susunod na araw, o ang malamig na panahon.