Binabatayan ang isang Low Pressure Area (LPA) sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Huli itong namataan sa layong 1,010 kilometers silangan ng Mindanao.
Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Jomaila Garrido – mababa ang tiyansa na lumakas ito.
Ang extension ng LPA ay magdadala ng mga pag-ulan sa malaking bahagi ng Mindanao.
Sa Luzon at Visayas, mananatili ang mainit at maaliwalas na panahon.
Facebook Comments