Ikatlong Trump-Kim Summit, posibleng matagalan pa

Posibleng matagal na panahon pa ang aantayin bagong magkaroon ng ikatlong summit sina US President Donald Trump at North Korean Leader Kim Jong Un.

Ayon kay US National Security Adviser John Bolton – ang Estados Unidos ay walang ilusyon tungkol sa kakayahan ng North Korea.

Pero nananatili aniyang kumpiyansa si Trump sa personal relationship nito kay Kim.


Tumanggi namang pag-usapan ni Bolton ang mga intel reports na binubuo muli ng Pyongyang ang missile launch site nito.

Facebook Comments