Patuloy na naapektuhan ng trough ng Low Pressure Area (LPA) ang ilang bahagi ng Mindanao.
Magiging maulap ang kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan ang mararanasan sa ginta at silangan bahagi ng Visayas, Caraga Region, Northern Mindanao at Davao Region.
Hangin Mindanao naman ang patuloy na nararamdaman sa Aurora at Quezon Province kung saan posibleng makaranas ng mahinang pag-uulan.
Maaliwalas na panahon na may kasamang kalat-kalat na pag-uulan at pagkulog at kidlat naman ang mararanasan sa Metro Manila, ibang bahagi ng Visayas at Mindanao.
Ayon kay PAGASA weather specialist Meno Mendoza, nakataas pa din ang gale warning sa eastern seaboard ng Southern Luzon at Visayas kaya at pinapayuhan ang malilit na sasakyang pandagat na huwag nang pumalaot.
Sunrise: 6:24 AM
Sunset: 5:23 PM