Truck ban, ipapatupad sa Lunes

Ipapatupad simula sa Lunes, December 14 ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang total truck ban.

Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, ibabalik ang truck ban para mabawasan ang mabigat na daloy ng trapiko lalo na ngayong papalapit ang kapaskuhan.

Tuwing Lunes hanggang Biyernes, mula alas-6:00 ng umaga hanggang alas-10:00 ng umaga at alas-5:00 ng hapon hanggang alas-10:00 ng gabi ay ipagbabawal na ang paglabas ng mga trucks sa mga national roads at major thoroughfares.


Hindi pa kasama sa nabanggit na schedule ang para naman sa araw ng Sabado.

Sinabi naman ni MMDA Traffic Chief Bong Nebrija na ipapatupad ang truck ban hanggang Sabado, at lifted ito tuwing Linggo at kapag holiday.

Dagdag pa ng opisyal, ang muling pagpapatupad ng truck ban ay base na rin sa apela ng Metro Manila mayors dahil sa matinding trapiko lalo na tuwing rush hour kung saan sumasabay pa ang mga truck at naiipon naman ang mga sasakyan na dumadaan sa mga inner roads.

Facebook Comments