TRUCK BAN, IPATUTUPAD SA MANAOAG SA SEMANA SANTA

Ipapatupad ngayong darating na Mahal na Araw ang Truck Ban sa ilang mga kakalsadahan sa bayan ng Manaoag.

Sa inilabas na abiso ng lokal na pamahalaan ng bayan, sa ilalim ng Executive Order No. 15, series of 2025, epektibo ang naturang kautusan mula April 16 hanggang 20, at saklaw din nito ang traffic rerouting.

Pinayuhan ang mga motorista na dumaan na lamang sa mga alternatibong ruta upang makaiwas sa mabigat na daloy ng trapiko sa mga panahong ito. Samantala, bahagi ito ng paghahanda ng bayan na may layong maitaguyod ang mas maayos, ligtas, at payapang pagdaraos sa Semana Santa lalo na at dinarayo ang Minor Basilica of our Lady of Manaoag. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments