Tumaas ang bilang ng truck ban violation sa Pasig mula Hunyo hanggang Setyembre ngayong taon.
Ayon kay Mayor Vico Sotto, mula nang maupo siya, nadiskubre nila na marami ang nakalukusot sa truck ban dahil may mga protektor.
Tiniyak naman ng alkalde ang mahigpit na paglaban sa kultura ng pangongotong.
Matatandaang 2016 nang simulang ipatupad sa Metro Manila ang truck ban. Sa ilalim nito, bawal bumiyahe sa Ortigas business district ang mga cargo trucks mula alas 6:00 hanggang alas 10:00 ng umaga at alas 5:00 ng hapon hanggang alas 10:00 ng gabi maliban sa araw ng linggo at tuwing holidays.
Ang lalabag ay pagmumultahin ng ₱2,000.
Facebook Comments