Monday, February 23, 2026

TRUCK DRIVER, TIMBOG SA KASONG PAGNANAKAW SA SAN JACINTO

Inaresto ng mga tauhan ng San Jacinto Municipal Police Station (MPS) ang isang 27-anyos na truck driver matapos ipatupad ang warrant kaugnay ng kasong pagnanakaw.

Kinilala ang suspek residente ng San Jacinto, Pangasinan.

Dakong alas onse ng umaga kahapon nang isagawa ng mga operatiba ang pag-aresto sa nasabing bayan.

Ayon sa pulisya, inaresto ang akusado sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Theft o paglabag sa Article 308 ng Revised Penal Code. Inirekomenda ng hukuman ang piyansang nagkakahalaga ng ₱10,000 para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.

Sa kasalukuyan, nasa kustodiya ng San Jacinto MPS ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments