Truck helper, tiklo sa buy bust sa Hermosa Bataan

Hermosa Bataan, Philippines – Nadakip sa buy bust operation ng Hermosa PNP ang isang truck helper sa brgy. Culis Hermosa Bataan.

Sa report ng pulisya, kinilala ang nadakip na si Nonilon Salome 35 anyos tubong Camarines Sur at residente ng Sitio RL David ng naturang barangay.

Dalawang sachet ng shabu at 500 peso bill marked money ang nakumpiska sa suspek. Dinala ito sa himpilan ng pulisya para sa kanyang proper documentation and disposition.


Facebook Comments