iFM Laoag – Nahuli ang isang truck sa Ilocos Norte Border Control na may lamang 26 na katao sa loob. Ayun sa PNP, ang mga ito ay nanggaling sa Probinsia ng Bulacan at nabuking na lamang ito nang walang naipakitang domkumento na nagsasaad sa laman ng nasabing sasakyan ang drayber.
Galing Bulacan, papunta di umano ito sa bayan ng San Nicolas sa Ilocos Norte ang mga ito para sa isang construction project ngunit wala ito mga papeles na dala.
Dahil dito, humaharap sa reklamo ang 26 na katao kabilang na ang driver at operator ng truck sa paglabag sa Bayanihan to Heal as One Act, o di kaya’y Republic Act No. 11469.
Maaalala sa panayam kay Governor Matthew Manotoc na ang Ilocos Norte ang may pinaka strikto na border control protocols ng COVID-19 sa bansa kaya kahit nakalusot ito sa mga lalawigan ng Panggasinan, La Union at Ilocos Sur wala itong lusot dito.
– Bernard Ver, RMN News