Cauayan City, Isabela- Nasabat ng PNP Naguilian katuwang ang PNP-Highway Patrol Group ang isang truck na naglalaman ng pinaniniwalaang pekeng sigarilyo bandang 2:00 ng hapon sa kahabaan ng Brgy. Palattao, Naguilian, Isabela.
Kinilala ang suspek na si Roger Aparilla, 40-anyos at tubong Brgy. Gingoog, Misamis Oriental at Xlu Zou Wu, 42-anyos, isang Korean National, isnag negosyante at residente ng Brgy. Batal, Santiago City.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nakatanggap sila ng impormasyon na may ibibiyaheng pekeng sigarilyo sa lungsod ng Santiago lulan ng isang truck na sakay ang isang koreano.
Agad na hiningan ng kaukulang dokumento ang nasabing mga suspek subalit bigo silang magpakita kaya’t dinakip ang mga ito.
Nakumpiska sa mga suspek ang nasa kabuuang 649 na sako ng pekeng sigarilyo na nakasilid sa mga karton at maging truck na ginamit sa tangkang pagpuslit ng sigarilyo.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 8293 (Intellectual Propert Code ), Customs Modernization Tariff Act ; National Internal Revenue Code, Sec 263 and 265 and RA 11332.
Sa ngayon ay nasa kustodiya ng PNP Naguilian ang mga suspek habang inihahanda ang kasong kakaharapin laban dito.