Truck na ‘nagpupuslit’ ng tao sa Baguio City, bistado sa checkpoint

Photo from Baguio City PIO

BAGUIO CITY – Nabisto ng mga pulis ang iligal na pagpupuslit ng mga tao sa naturang lungsod.

Ayon sa Baguio City Police Office, naharang daw sa checkpoint ang isang cargo truck na kukuha sana ng gulay sa Benguet kung saan nakasakay ang tatlong lalaki na gustong makauwi sa kanilang barangay.

Sa ilalim kasi ng enhanced community quarantine, kasama ang mga truck sa maaring hindi inspeksyunin ng awtoridad upang hindi maantala ang delivery ng mahahalagang suplay katulad ng gulay at karne.


Pinahihintulatan din ang nasabing sasakyan na pumasok at lumabas sa siyudad.

Pero nagsagawa ng spot check ang kinauukulan, Sabado ng hapon, matapos makatanggap ng impormasyon na may mga kumokontra sa mga cargo truck para makalusot sa quarantine control.

Sumailalim muna sa triage ang mga nahuli bago i-detain.

Babala ni Mayor Benjamin Magalong, parurursahan nila ang sinumang lalabag sa umiiral na enhanced community quarantine.

Facebook Comments