Truck ng yelo na hahatakin sana ng MMDA, nakitaan ng iligal na droga sa Maynila

Isang truck ng yelo na nakaparada sa Maynila ang nakitaan ng iligal na droga ng mga tauhan ng  Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Ayon kay MMDA Task Force Head Bong Nebrija, hahatakin nila ang nasabing truck habang nakaparada sa Dagupan Street sa Tondo ng makita nila ang ilang mga drug paraphernalia.

Agad na tumawag ng barangay ang MMDA para tulungan suriin ang loob ng truck kung saan nakita ang hindi pa mabatid na bilang ng iligal na droga na nakasilid sa plastic ware.


Sinabi pa ni Nebrija na matagal na nilang nakikitang iligal na nakaparada ang naturang truck pero flat ang gulong nito kaya hindi muna nila nahatak.

Pero ng balikan ay dito na nila napansin ang iligal na droga at mga drug paraphernalia.

Nai-turn over naman na sa mga pulis ang iligal na droga habang hindi pa rin matukoy ang may-ari ng truck kung saan ang may-ari naman ng pagawaan ng yelo ay iginigiit na inuupahan lamang niya ito para mag-deliver ng kanilang produkto.

Facebook Comments