Mega Job Fair ng PESO Muntinlupa katuwang ang DZXL Radyo Trabaho, dinagsa

Dinagsa ngayong araw ng mga aplikante ang Mega Job Fair ng PESO Muntinlupa at Muntinlupa Rotary Club District 3830 katuwang ang DZXL Radyo Trabaho

Ayon kay Glenda Zamora-Aninon, head ng PESO Muntinlupa ay nasa 98 ang kompanyang kalahok sa nasabing job fair at may alok itong 1,500 bakanteng trabaho.

Sa ngayon, nasa 28 na ang na-hire on the spot mula sa 540 registered applicants.


At sa mga nais humabol, magdala lamang ng inyong updated resume at huwag kalimutang mag-register bago pumasok sa event area.

Sa mga first time job seeker, mayroong one-stop-shop para sa pre-employment requirements tulad ng Social Security System, PhilHealth, PAG-IBIG, National Bureau of Investigation (NBI) at Bureau of Internal Revenue (BIR).

Nagpasalamat naman ang PESO Muntinlupa City sa DZXL Radyo Trabaho sa pagtuloy na suporta sa kanilang tanggapan.

Facebook Comments