TRUE BA? | Julie Anne San Jose at Benjamin Alves, break na?

142

Manila, Philippines – How true ang chismis na break na daw sina Julie Anne San Jose at Benjamin Alves?

May ilang linggo na ring kasing umuugong na hiwalay na ang dalawa lalo na nang magpagupit ng buhok si Julie Anne kamakailan.

November 11, nag-post si Julie Anne sa Instagram kung saan ipinakita niya ang kanyang bagong hairdo.

Tanging caption niya rito, “thank you, next” na mula sa title ng kanta ni Ariana Grande tungkol sa kanyang ex-boyfriends.

Sa comments section, maraming netizens ang nagtanong kung ang caption ba ni Julie Anne ay nangangahulugang break na sila ni Benjamin.

Mas lalo pang umingay ang chismis dahil kapansin-pansin din daw na hindi na nila pina-follow ang isa’t isa sa Instagram.

Facebook Comments