Trump, handa na sa kanilang meeting ni NoKor leader Kim Jong-Un bukas!

Handang-handa na si U.S. President Donald Trump sa gaganaping two-day summit nila ni North Korean Leader Kim Jong Un na magsisimula bukas, February 27.

Magpupulong ang dalawang lider sa Hanoi, Vietnam walong buwan pagkatapos ng makasaysayang summit nila sa Singapore.

Ayon kay Trump – hindi siya umaasa na magkakaroon na ng final deal sa usapin ng denuclearization sa Korean Peninsula.


Ipinangako naman sa kanya ni Kim na makikipagtulungan sila para magkaroon na ng kongretong resulta para sa pagbubuwag ng nuclear weapons program.

Umalis si Trump sa Washington lulan ng airforce one at inaasahang lalapag sa Hanoi mamayang gabi.

Facebook Comments