Hindi natatakot bagkus, hinamon ngayon ng ilang Senador si US President Donald Trump na magdeklara na ng national emergency.
Ito ay para tuluyan ng matapos ang pinakamahabang temporary government shutdown na naitala sa kasaysayan ng Amerika.
Ayon kay Republican Senator Ron Johnson, kahit magpatupad ng national emergency ang us president ay wala pa ring katiyakan na mapondohan na ang $5.7 billion na border wall nito.
Mahigit tatlong linggo ng nagkakaroon ng pagmamatigasan ni Trump sa mga congressional democrats leader at mga Senador para sa pagtatapos na ng government shutdown.
Facebook Comments