Trump, pinabulaanang may itinatagong detalye hinggil sa pag-uusap nila ni Putin

27

Itinanggi ni U.S. President Donald Trump na may nililihim siyang detalye sa pag-uusap nila ni Russian President Vladimir Putin.

Ito ay kasunod ng mga ulat na pinagsabihan ni Trump ang interpreter nito na huwag isapubliko ang naging usapan nila ni Putin noong 2017.


Giit ni Trump na wala siyang itinatago na anumang impormasyon sa pag-uusap nila ng lider ng Russia.

Pinuna naman ng White House na ang nasabing ulat na kulang sa impormasyon.

Facebook Comments

From Advertisers