Trust rating ni PDu30, mataas pa rin para kay Senator Sotto

31

Manila, Philippines – Para kay Senate Majority Leader Tito Sotto III, nananatiling mataas pa rin ang 78 percent na trust rating ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ayon kay Sotto ay kahit pa bumaba ito ng limang porsyento kumpara sa 83 percent niyang trust rating noong Disyembre.

Reaksyon ito ni Sotto sa resulta ng pinakahuling survey ng Pulse Asia nitong March 15 to 20 kung saan nabawasan ang trust rating ni President Duterte.

Ayon kay Sotto, bumaba man ay hindi pa rin maaring maliitin ang 78 percent na trust rating ni Duterte ngayon.

Kung tutuusin, ayon kay Sotto, ang ibang naging Pangulo ng ating bansa ay hindi man lang nakatikim ng 60 percent na trust rating.
Nation

Facebook Comments