Tsina, tinawag na ‘ordinaryong aksidente’ ang nangyari sa F/B Gem-Ver 1

Pinahayag ni Chinese foreign ministry spokesman Geng Shuang na ordinaryong aksidente lamang ang nangyari sa paglubog ng bangkang sinasakyang 22 na Pinoy nang makabanggana ang barko ng Tsina sa West Philippine Sea.

Ayon kay Shuang, iniimbestigahan na nila ang nangyari at hindi palalagpasin kung sinadya man ang aksidente, ano man ang motibo nito.

Pinahayag naman ni Shuang na huwag i-politika ang insidente nang walang patunay.


Una nang pinahayag ng Malacañang na ang aksyon na ito ay “barbaric.”

“Regardless of the nature of the collision, whether it was accidental or intentional, common decency and the dictates of humanity require the immediate saving of the crew of the downed Philippine vessel,” ayon kay Panelo.

Pinasalamatan naman ni Panelo ang mga tumulong na Vietnamese sa mga Pilipino na malapit sa mismong pinangyarihan.

Sinabi rin ng Palasyo na hindi nila pinagduduhan ang kwento ng 22 na mangingisda.

Facebook Comments