Manila, Philippines – Pinanindigan ni Senator Panfilo Ping Lacson na totoo at hindi hearsay o tsismis lang ang napag-alaman niyang bentahan ng identification cards o ID kapalit ng malayang pagpasok at paglabas sa Boracay habang ito ay sarado at isinasailalim sa rehabilitasyon.
Diin ni Lacson, narinig niya mismo ito mula sa kaibigang negosyante na hinihingan ng 400,000 Pesos kapalit ng ID para sa kanyang mga staff at empleyado sa Boracay.
Nakakatiyak si Lacson, na alam ng mga barangay officials sa Boracay kung sino sa kanila ang nagbebenta ng naturang ID.
Ayon kay Lacson, ibinulgar niya ang impormasyon kaakibat ang payo sa Department of Interior and Local Government o DILG na magsagawa ng entrapment operation para matigil na ang kalokohan ng mga sangkot na barangay officials.