Cauayan City, Isabela-Nananawagan ang alkalde ng Bayan ng Echague sa publiko na iwasan ang pagpapakalat ng maling impormasyon sa harap ng patuloy na pagdami ng bilang ng mga naitatalang positibo sa COVID-19.
Sa kanyang facebook live, sinabi ni Mayor Francis ‘Kiko’ Dy, binanatan nito ang mga nagpapakalat ng maling impormasyon na may government employee umano ang nagpositobo sa virus maging ang mga department heads ng kanilang bayan.
Ayon pa kay Dy, marami ang direktang nagkokomento sa kanyang social media account na dahilan para magbigay ng panic sa publiko na hindi naman kinakailangang gawin.
Nilinaw din ng opisyal na kailanman ay hindi nagbitaw ng kahit anong pagkakakilanlan ng mga nagpopositibo sa virus upang masigurong maiiwas sa bashing ang mga ito.
Samantala, ibabalik na ang modified general community quarantine bukas o sa darating na linggo mula sa pagsasailalim ngayon sa GCQ ang buong bayan.
Giit pa niya, maaari pa rin naman ang paglabas at pagpasok ng publiko sa lugar lalo na sa mga nagtatrabaho sa ibang bayan.