Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ligtas ang mga Pilipino matapos tumama ang magnitude 7.5 na lindol at tsunami sa Indonesia.
Ayon sa DFA, walang Pinoy na nasawi o nasaktan sa naturang kalamidad.
Kasabay nito, nakikiramay ang palasyo ng Malacañang sa pamilya ng daan-daang nasawi.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque – kasama ng Indonesia ang Pilipinas sa pag-aalay ng dasal sa mga biktima.
Nakahanda ang Pilipinas na magpaabot ng anumang tulong sa Indonesia.
Sa kasalukuyan, aabot na sa higit 800 katao ang namatay sa kalamidad.
Facebook Comments