Tsuper, Arestado sa Kasong Panggagahasa!

142

*Cauayan City, Isabela- *Arestado ang isang drayber na itinuturing na Top 5 Most Wanted Person sa bayan ng San Isidro, Isabela matapos na isilbi ang kanyang warrant of arrest sa Brgy Nagbukel, San Isidro, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Jomar Millan, 39 anyos, may-asawa at residente ng Brgy Nagbukel, San Isidro, Isabela.


Hinuli si Millan ng mga kasapi ng PNP San Isidro sa bisa ng Warrant of arrest na ipinalabas ni hukom Nicasio Bautista ng RTC Branch 21, Santiago City dahil sa kasong panggagahasa.

Dinala na sa himpilan ng pulisya ang akusado para sa tamang disposisyon.

Posibleng hindi na makalabas ng kulungan si Millan matapos na walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Facebook Comments

From Advertisers