Tsuper na Nahuli sa Checkpoint, Nasamsaman ng Ipinagbabawal na Gamot

*Cauayan City, Isabela*- Sinampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act at Disobedience to an Agent in Authority ang isang tsuper ng tricycle sa isinagawang checkpoint ng mga awtoridad sa Brgy. Bagumbayan, Tuao, Cagayan.

Kinilala ang suspek na si Lino Maguas Jr., 30 anyos, may asawa at residente ng Brgy. Barancuag, Tuao, Cagayan.

Batay sa imbestigasyon ng PNP Tuao, binabagtas ng suspek ang pambansang lansangan na sakop ng Brgy. Bagumbayan kung saan kasalukuyan ang isinagsagawang anti-criminality checkpoint subalit ilang minuto pa ay napansin ng mga awtoridad ang suspek na agad na lumiko lulan ng kanyang tricycle kaya’t sinita ito ng pulisya at agad na hinanapan ng lisensya ngunit bigo itong magpresenta.


Narekober naman sa sling bag ng suspek ang apat (4) na piraso ng aluminum foil na naglalaman ng hinihinalang shabu habang nagpositibo naman ito sa droga matapos isailalim sa drug test.

Sa ngayon ay nasa kustodiya ng pulisya si Maguas para harapin ang kaso laban sa kanya.

Facebook Comments