Tsuper na Tulak ng Droga, Arestado!

Cauayan City, Isabela- Nahuli ang isang traysikel drayber sa isinagawang drug buybust operation ng mga otoridad sa bahagi ng Brgy road, Purok 1, Brgy Magsaysay Hill, Bambang, Nueva Vizcaya.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan kay P/Maj.Job Videz, tagapagsalita ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office (NVPPO) ang suspek ay nakilalang si Elimar Tadeo, 28-anyos at residente ng Brgy Buag, Bambang, Nueva Vizcaya.

Dakong 10: 00 kagabi nang isagawa ang operasyon laban sa suspek kung saan ay nakabili ng isang pakete ng pinatuyong dahon ng marijuana ang isang pulis na nagpanggap na poseur buyer sa halagang dalawang daang piso (P200.00).


Narekober naman sa pag-iingat ng suspek ang ginamit na marked money.

Pansamantalang nasa piitan ng pulisya ang suspek habang inihahanda ang isasampang kaso na may kinalaman sa paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments