Tsuper na Tulak ng Droga, Timbog sa Buy Bust!

Cauayan City, Isabela- Timbog ang isang tsuper matapos magsagawa ng Drug Buy Bust Operation ang PNP Cauayan City sa Brgy. Cabaruan Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Arce Macanas, tatlumpu’t anim na taong gulang, walang asawa, isang drayber, at residente ng Brgy. Plaza, Aparri, Cagayan.

Sa natanggap na impormasyon ng RMN Cauayan, nadakip ang suspek matapos mahuli sa aktong pagbebenta ng dalawang sachet ng hinihinalang shabu sa isang pulis na nagpanggap bilang poseur buyer.


Nasamsam mula kay Macanas ang apat na piraso ng limang daang piso na ginamit bilay marked money at dalawang unit ng cellphone.

Hawak na ng PNP Cauayan City si Arce Macanas at mahaharap sa kasong Paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments