Aabot sa 136,000 na mga tsuper ng pampasaherong jeep ang magsisimula ng makatangganp ng 6,500 pesos na fuel subsidy simula bukas.
Sinabi ito ni Department of Transportation (DOTr) Project Manager Joemier Pontawe sa pagdinig ng Committee on Energy na pinamunuan ni Senator Win Gatchalian.
Ayon kay Pontawe, matatanggap ng mga jeepney drivers ang kanilang fuel subsidy sa kanilang Landbank card.
Paliwanag ni Pontawe, inuna ang mga jeepney drivers dahil nakalatag na ang mekanismo ng pagbibigay ayuda sa kanila simula pa noong 2018.
Ang mga jeepney drivers ay kasama sa 377,000 na benepisaryo ng pantawid pasada.
Kabilang din dito ang mga tsuper ng iba pang pampublikong transportasyon na kinabibilangan ng bus, UV express, taxi, shuttle services, tourist vehicles, trycicle at delivery service providers.