Cauayan City, Isabela-Arestado ang tsuper ng traysikel dahil umano sa pagbebenta ng iligal na droga at pag-iingat ng hindi lisensyadong baril matapos ang ikinasang buy-bust operation kaninang umaga sa Barangay District 2, Gamu, Isabela.
Kinilala ang suspek na si Jemart Villanueva, 28-anyos at residente ng Purok 4, Upi, Gamu, Isabela.
Naaresto si Villanueva ng pinagsanib na pwersa ng Gamu Police Station, Isabela Provincial Intelligence Unit, 1st Provincial Mobile Force Company, Isabela Police Provincial Office (IPPO) at Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 2 (PDEA RO2) matapos umanong bentahan nito ng isang zip-locked sachet ng naglalaman ng hinihinalang dahon ng marijuana with fruiting tops sa nagpanggap na poseur buyer.
Nakumpiska sa pag-iingat ng suspek ang isang P500 peso bill, dalawang zip-locked sachet ng marijuana, improvised shotgun, isang piraso ng 12-gauge ammunition, tricycle at cellphone.
Mahaharap si Villanueva sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.