Tsuper, patay nang maaksidente dahil umano sa ashfall sa Laguna

649

Nasawi ang tsuper ng isang truck matapos bumaligtad ang minamaneho nitong sasakyan dahil umano sa ashfall sa Calamba, Laguna noong Enero 13 ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Gilbert Dawal Briones habang sugatan naman ang tatlo niyang kasama nang mangyari ang insidente.


Ayon sa ulat, byahe sana papuntang Metro Manila ang naturang truck galing ng Cabuyao.

Lumalabas sa imbestigasyon na ashfall mula sa Bulkang Taal ang naging dahilan ng aksidente.

Nahirapan daw makakita si Briones dahil sa makapal na abo kaya nawalan ng kontrol ang kanyang truck pagdating sa kurbada.

Dito na bumaligtad at tuluyang bumangga ang sasakyan sa poste na agad na ikinamatay ng tsuper.

Samantala, naiulat ng awtoridad na puno ng abo ang salamin ng truck habang patuloy pa rin ang kanilang imbestigasyon.

Facebook Comments
From Advertisers