Tsuper, patay sa pamamaril sa Malabon

47

Malabon City – Patay ang isang jeepney driver matapos pagbabarilin habang namamasada sa Governor Pascual Avenue, Malabon City.

Kinilala ang biktima na si Gerardo De Villa, na natamo ng dalawang tama ng bala ng baril sa ulo.


Ayon kay Police Colonel Jessei Tamayao, Malabon Chief of Police, tatlong lalaki ang sumakay sa jeep ng biktima kung saan isa rito ang umupo sa likuran ni De Villa at pinagbabaril ito.

Sabi ni Tamayao, mayroon na silang person of interest sa nasabing pamamaril.

Facebook Comments