Mahigit 30 sugatan sa salpukan ng bus at truck sa Maynila

151

Manila, Philippines – Sugatan ang 34 katao sa salpukan ng isang pampasaherong bus at isang trailer truck sa kanto san Marcelino at Remedios Street sa Maynila.

Sangkot sa aksidente ang isang unit ng Kersteen Bus na may plakang DXG 860 at body number 6888 at biyaheng Tagaytay.


Batay sa CCTV footage ng Barangay 689, makikita ang patawid ang bus nang makasalpukan nito ang truck.

Tumama pa ang unahang bahagi ng truck sa likurang bahagi ng bus.
Patuloy naman ang imbestigasyon sa insidente.

Facebook Comments