Panawagan ng ilang bisita at residente sa bahagi ng Bonuan Boquig Public Cemetery na maaksyunan ang naiipong tubig sa nasabing sementeryo tuwing nagkakaroon ng pagbaha dulot ng pag-ulan o di kaya ay high tide.
Ayon kay Constantina Viray, residente sa lugar, bibisitahin niya sana ang kaniyang yumaong kamag-anak sa nasabing sementeryo at ipapaayos na rin ang puntod para sa darating na Undas ngunit nadatnan nito ang tubig sa daanan.
Aniya, hindi na siya nagulat kaya nagsuot na lamang ito ng bota upang hindi lumusong sa tubig.
Dapat umanong matabunan na ang mga bahagi ng sementeryong palaging binabaha upang hindi maipon ang tubig, dahil maaari itong makaapekto sa mga bumibisita at sa mga residenteng nakatira malapit sa lugar.
Bagaman natabunan na ito noong mga nakaraang taon, nagkakaroon pa rin ng tubig tuwing umuulan at bumabaha. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









