TUBIG SA ALICAOCAO OVERFLOW BRIDGE, MULING UMAPAW

Cauayan City – Dahil sa tuluy-tuloy na nararanasang mahina hanggang katamtamang lakas na mga pag-ulan bunsod ng bagyong Marce, muling umapaw ang tubig sa Alicaocao Overflow Bridge.

Dahil dito pansamantalang hindi muli maaaring daanan ng anumang uri ng sasakyan ang nabanggit na tulay, maliban na lamang sa mga pampasaherong bangka na nakaantabay sa ilog.

Ayon sa mga nakabantay sa lugar, patuloy nilang mino-monitor hindi lamang ang pagtaas o pagbaba ng lebel nito kundi maging ang bilis ng pag-agos ng tubig.


Sa mga pagkakataon na mabilis at malakas ang agos ng tubig, hindi umano pinahihintulutan ang mga bangka na tumawid sa ilog dahil delikado ito.

Samantala, kapag nagtuluy-tuloy pa ang nararanasang mga pag-ulan ay inaasahang mas tataas pa ang lebel nito kaya naman pinag-iingat ang lahat lalo na ang mga nasa mababang lugar malapit sa ilog na posibleng maabot ng tubig.

Facebook Comments