Tubig sa ilang rain water tank sa Albay, nagpsositibo sa bacteria

Albay – Sinusuri na ng Albay Provincial Health Office ang tubig sa mga evacuation center.

Ito’y matapos mag-positibo sa fecal contamination at coliform bacteria ang tubig sa ilang rain water tank sa lalawigan.

Ayon kay Engr. William Sabater, Provincial Health Office Sanitation Dept., umabot na sa 25 evacuees ang tinamaan ng diarrhea.


Nagpaalala naman si Sabater sa mga evacuees na yung mga dini-deliver galing sa water refilling station lang na tubig ang inumin ng makaiwas sa diarrhea.

Samantala, sinabi ni Dr. Paul Alanis, Science Research Specialist ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), mas madaming maliliit pero maya’t mayang lava fountaining at ash explosion ang naitala sa loob ng 24 oras mula sa bulkang Mayon.

Sa ngayon ay umabot na sa 45 million cubic meters o katumbas ng 18 libong Olympic size na swimming pool ang total eruption volume ng bulkan.

Facebook Comments