MARUMI ang water supply ng Metro Naga Water District sa ilang mga barangay sa Naga City at kalapit na bayan. Napag-alaman ito nang magpa-abot ng reklamo ang maraming water consumers sa radio station DWNX RMN Naga sa programang Doble Pasada nina RadyoMan Ed Ventua at RadyoMan Grace Inocentes.
Ilang sa mga nagreklamo na marumi ang lumalabas na tubig sa kanilang gripo ay taga Progress Homes sa Canaman, mga barangay ng Sta. Cruz, Carolina, Concepcion, Abella at iba pang lugar na sakop ng Metro Naga Water District.
“ Hello sir, regarding the “buhangin sa water ng MNWD” this is so true sir. From my sources inside MNWD, hindi daw 100% nawasa ang tubig nila, may halo daw deep well ang tubig natin” Perwisyo npo to sir, kya nglagay ako water filter. May mga kalawang pa yan sir and mga lumot. Bagumbayan area po sir. If u know someone from the inside they can tell u po. May kilala po kasi akong tubero ng MNWD, cya po ng ngdisclose saken ng info na yan. If im right 70% deep well and 30% nlng ang nawasa. Pro sabi nya depende daw po sa area.” ayon pa sa mensaheng ipinaabot ng tagapakinig ng RMN DWNX Naga habang pinag-uusapan ang isyung ito.
May halong buhangin ang daloy ng tubig mula sa MNWD. Nahihintay na lang umano siyang may lumabas na semento para pwede nang ipagawa ng kalsada, biro pa ng isang texter sa DWNX Doble Pasada.
Ilang beses tinawagan upang mahingian ng paliwanag ang management ng MNWD subalit walang may lakas ng loob na magbigay ng paliwanag-pahayag ang mga opisyales dito. Nang tawagan ang opisina ni Acting General Manager, pawang tauhan lamang ang sumasagot at nagsasabing may kausap umano si GM Virginia Nero at hindi pwedeng interviewhin. Nang tanungin kung sino ang iba pang opisyal ng MNWD na pwedeng mahingian ng paliwanag, pinasa sa opisina ng MNWD Production Department sa pamumuno ng isang Engr. Dela Cruz. Nang tawagan naman ang opisina ni Engr. Dela Cruz, sinabi nitong dapat sa opisina ni GM Nero tumawag. Unang tinawagan ang opisina ni Acting GM Nero 473-7813 local 139, pinasa sa 472-1395, pinasa 473-5878, at pinasa sa 473-7813 local 104 at pinasa sa 473-7813 local 139 na siyang opisina ni Acting GM Nero na pinakaunang tinawagan. Sa maikling salita, walang may lakas ng loob na magpaliwanag tungkol sa isyung ito mula sa management ng MNWD.
Maalalang noong kapanahunan ni retired GM Cesar Federizon, siya pa ang unang tumatawag sa mga radio stations upang magpaliwanag o magbigay ng importanteng mensahe para sa mga water consumers ng MNWD. Hindi rin siya mahirap hanapin o tawagan at interviewhin kung may isyu tungkol sa serbisyo ng MNWD at supply ng tubig sa buong area coverage nito.
TUBIG sa Naga City Marumi, MNWD Relax at Tahimik Lang
Facebook Comments