Tubig, tumagas sa main pipe ng Maynilad sa Muntinlupa

Muntinlupa City – Tumagas ang tubig mula sa main pipe ng Maynilad sa tapat ng Freedom Hills subdivision sa Muntinlupa City.

Nagsimula umano ang pagtagas sa tubo ng tubig sa bahagi ng national road kaninang hatinggabi.

Nauna rito, sunod-sunod na dumaan ang trak at cement mixer sa subdivision dahil sa ginagawang paaralan sa lugar.


Hinala ng barangay, manipis ang semento at mababaw ang pagkakalatag ng tubo kaya madali itong nasira.

Inaasahang maapektuhan ng tagas ang libo-libong residente sa lugar.

Facebook Comments