Viral ngayon sa Social Media ang performance ni Marko Rudio na mula sa San Roque, San Nicolas Pangasinan, mula sa tatlong magkakatunggali, si Marko ang nakatungtong sa Grand Finals Session 6.
Labis-labis ang pagkagalak ni Marko at ng pamilya nito nang siya ay hirangin bilang ikalawang Grand Finalist sa TNT nito lamang Mayo 2. Matatandaang napabilib ang mga hurado sa naturang kompetisyon dahil sa kanyang kakaibang version ng kantang “Upuan” ni Gloc 9.
Si Marko ay lumaki at nagsimulang mangarap bilang isang singer na batang bukid, kasabay ng pagbabanda sa loob ng labing isang taon. Ayon sa kaniya, sa pagbabanda siya kumukuha ng pantustos noon sa kanyang pag-aaral at ngayon pangkabuhayan na niya ito.
Talaga namang maituturing na isang inspirasyon si Marko Rudio ng mga kabataan na isang patunay na walang mahirap sa taong nangangarap lalot hawak muna ang talentong makakatulong sayo!
Mula sa IFM suportado at aabangan namin ang iyong laban Idol. |ifmnews
Facebook Comments