Nagbabala ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) na mahaharap sa mas mabigat na multa ang mga employer na hindi magbibigay ng thirteenth month pay.
Ginawa ng TUCP ang pahayag kasunod ng mga reklamo na kanilang natatanggap mula sa mga manggagawa na wala pang natatanggap na 13th month pay.
Mayroong 920,000 work establishments sa bansa na mula sa major industry enterprises tulad ng nasa agriculture, manufacturing at services sectors.
At abot naman sa 35 million ang kabuuang mga empleyado.
Ayon kay TUCP President Raymond Mendoza, ang Pasko ay panahon sana para mapaligaya ang pamilya ng mga manggagawa. Pero, mas pinipili ng ilang mga amo na maging “grinch” o panira sa Christmas spirit.
Pinayuhan ni Mendoza ang mga may reklamong empleyado na magharap ng asunto sa Department of Labor and Employment Regional Office o sa National Labor Relations Commission.
Kung mapatunayang guilty ang sinumang employers, pagmumultahin ang mga ito ng higit sa money claims kasama pa ang moral at exemplary damages.