TUCP, dismayado sa 3 major political parties sa ‘di pagbitbit sa isyu ng ENDO sa kanilang mga kampanya

Manila, Philippines – Dismayado ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) sa tatlong major political  sa kabiguan na maglatag ng malinaw na posisyon sa isyu ng  contractual labor at end-of-term contracts o ENDO.

Ayon kay TUCP President Raymond Mendoza, sa ilang linggo ng kanilang pangangampanya, kapansin-pansin na iniiwasan ng Hugpong ng Pagbabago, Otso Diretso at PDP-Laban kung ano ang gagawin nila sa isyu ng ENDO sakaling palarin silang maluklok sa Senado.

Kahit aniya ang opposition party na Otso Diretso ay walang indikasyon na isusulong ang pagkalag sa ENDO.


Magugunita na ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtapos sa isyu ng  contractualization noong panahon ng kampanya.

Bagamat nakalusot na sa Kamara ang Security of Tenure Bill, inuupuan naman ang bersyon nito sa tinawag nilang lame duck na Senado.

Patunay aniya ito na matindi ang paghawak ng corporate interests sa pulitika ng bansa.

Facebook Comments