Ipinahayag ng Associated Labor Union-Trade Union Congress na paglabag sa karapatan ng mga manggagawa sa occupational safety and health standards ang i-pursige silang magtrabaho ng lampas sa walong oras maihabol lamang ang Southeast Asian Games venue.
Ayon kay AL-TUCP vice president Gerard Seno, Ani Seno, sa ilalim ng Republic Act 11058, o “An Act Strenghtening Compliance With Occupational Safety and Health Standards, tungkulin ng mga employers, project-owners, contractors, and sub-contractors na tiyaking ligtas sa hazardous conditions ang mga manggagawa.
Tinukoy ni Seno ang pagkahulog sa sa scaffolding ng isang Richard De Los Santos na sinasabing 24 oras na pinagtrabaho sa renovation ng Rizal Memorial Complex.
Nalagay sa peligro ang kaligtasan at kalusugan ng trabahador dahil nasagad ang kanilang kapasidad na nagbunsod sa mga aksidente.
Inamin umano ni De Los Santos sa TUCP na sobrang pagod ng 25 pa niyang mga kasamang construction workers.
Ito ay sa kabila ng memorandum mula sa Philippine Sports Commission na bubuhusan ng maraming trabahador ang konstruksiyon ng mga SEA Games venue.